COVID 7-day positivity rate, bumababa na sa maraming rehiyon ng bansa – OCTA

Bumaba na ang COVID 7-day testing positivity rates sa maraming lalawigan sa Luzon hanggang noong June 17.

Sa monitoring ng independent agency na OCTA Research Group, partikular na naitala ang mas mababa sa 10% positivity rate sa National Capital Region (NCR), Rizal at Bulacan.

Sa tweet ni OCTA Fellow Dr. Guido David, sinabi nito na nagkaroon ng upticks sa positivity rate ng Palawan at Pangasinan.

Nitong Linggo, June 18, 2023, iniulat ng Department of Health (DOH) ang naitalang 726 na bagong kaso.

Umabot naman sa 870 ang recoveries habang nasa 8,861 ang active cases at wala namang namatay.

Sa kabuuan, sinabi ng DOH na nasa 8.6% ang 7-day positivity rate ng buong bansa.

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *