Mga tagahanga, pinuri ni Elton John sa emosyunal niyang farewell show
Pinuri at tinawag ni Elton John na kaniyang “lifeblood” ang kaniyang mga tagahanga, sa isinagawa niyang farewell concert sa Stockholm, Sweden makalipas ang higit 50 taon ng live performances.
Ayon kay John, “You know how much I like to play live. It’s been my lifeblood to play for you guys, and you’ve been absolutely magnificent.”
Suot ang isang tailcoat na may rhinestones accent at isang pulang pares ng kanyang trademark na malalaking salamin sa mata, ay umupo sa harapan ng isang piano ang pop superstar upang simulan ang kaniyang farewell show sa pamamagitan ng isa sa pinakasikat niyang mga awitin, ang “Bennie and the Jets.”
Crowd at Tele2 Arena, Stockholm, Sweden (screengrab from AFP Telegram)
Sinundan niya ito ng “Philadelphia Freedom” at “I guess That’s Why They Call It the Blues” sa harap ng audience na karamihan ay nakasuot ng sparkling blue o red glasses.
Sa loob ng mahigit dalawang oras na pagtugtog, minsan ay sandali siyang tumatayo upang pasalamanatn hindi lamang ang kaniyang mga tagahanga kundi pati na rin ang kaniyang banda at crew, na ang ilan ay mahigit apatnapung taon na niyang kasama.
Sinabi ni John, “I want to pay tribute to these musicians. They’re really incredible, they’ve been with me so long, some of them. And they are the best, I tell you, the best.”
Crowd at Tele2 Arena, Stockholm, Sweden (screengrab from AFP Telegram)
Pagkatapos na pagkatapos niyang awitin ang “Border Song” na inialay niya kay Aretha Franklin, ang kaniyang awiting “I’m Still Standing” ang nagpatayo sa 30,000 libong fans na nasa Tele2 Arena.
Bago ang kaniyang encore, nag-screen ng mensahe si John mula sa Coldplay na nagtatanghal sa western Swedish city ng Gothenburg, kung saan pinasalamatan siya ng singer na si Chris Martin para sa kaniyang career at commitment.
Tinawag ng Sweden daily Expressen ang final show ni John na isang “mahalagang bahagi sa kasaysayan ng rock n’ roll na matatapos na.”
Unti-unting tinapos ng singer ang kaniyang “decades-long live career” sa pamamagitan ng isang global farewell tour, kung saan nagkaroon na siya ng huling konsierto sa Estados Unidos noong May, at sa taunang Galstonbury Festival sa Britain noong June.
Ang farewell concert niya sa Sweden ang dalawang magkakasunod na gabi na naging host ang Stockholm stadium para sa huling bahagi ng final tour ng British singer-songwriter, na nagsimula limang taon na ang nakalilipas na naantala lamang ng COVID-19 pandemic at ng kaniyang hip operation noong 2021.
Sa kanyang “Farewell Yellow Brick Road” tour, ay nakapagsagawa si John ng tatlongdaan at tatlompung mga konsiyerto, sa magkabilang panig ng Europe, Australia, New Zealand, United States, Canada at Britain, bago ang pagsasara o pagtatapos nito sa Stockholm.
Sa kabuuan ng kaniyang farewell tour, si Elton John ay nagtanghal sa harap ng anim punto dalawampu’t limang milyon niyang mga tagahanga.