7-day COVID positivity rate sa NCR tuloy sa pagbaba – OCTA
Tuloy pa ring bumaba ang 7-day testing positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na mula sa 4% nong July 15 ay bumaba pa ito sa 3.3% hanggang noong July 22, 2023.
Tumaas ang porsyento ng low positivity sa ilang lalawigan sa 21.4% mula sa 17%.
Kabilang dito ang NCR, Batangas, Bulacan, Cavite, La Union, Quezon, at Ilocos Norte.
Samantala, nitong Linggo, July 23, nakapagtala ang bansa ng mas kaunting bilang ng virus infection.
Bumaba ito sa 265 mula sa 290 cases na iniulat nong Sabado.
Sa kabuuan, nakapagtala na ang Pilipinas ng 4,171,618 total cases habang hindi pa rin nabago ang tala ng mga nasawi sa 66,542.
Bumaba na rin sa 5,121 mula sa 5,199 noong Sabado ang active COVID-19 cases sa bansa, ang pinakamababa sa loob ng nakalipas na dalawang buwan.
Naitala nitong Linggo ang 343 na naka-recover sa sakit o kabuuang 4,099,955.
Bagama’t ito ang pinakamababang bilang ng recovery sa nakalipas na tatlong araw, ito naman ang ika-walong araw na nag-ulat ang bansa ng higit sa 400 bagong recoveries.
Weng dela Fuente