Tatlo katao patay sa nagngangalit na mga wildfire sa Greece
Dalawang piloto ang namatay nang bumagsak ang sinasakyan nilang water-bombing plane habang inaapula nila ang apoy, at ang ikatlo naman ay natagpuang sunog na sunog sa Greek island ng Evia, habang patuloy na nananalasa ang wildfires sa buong Mediterranean.
Sinabi ng fire department ng Greece na ang Canadair aircraft ay bumagsak sa isang bangin na malapit sa lugar kung saan nagsimula ang sunog noong Linggo. Makikita sa isang TV footage ang eroplano na bumulusok pababa una ang nguso at sumabog.
Ang mga pilotong nasawi ay miyembro ng Greek air force, at ayon sa defence ministry nagdeklara na sila ng three-day mourning period sa armed forces.
A Sikorsky S-64F Skycrane helicopter sprays water at a fire in the village of Gennadi on the Greek Aegean island of Rhodes © Spyros BAKALIS / AFP
Sinabi ni Greek Prime Minister Kyriakos Mitsotakis, “They lost their lives, saving lives.”
Sa kaniya naman social media post ay sinabi ni French President Emmanuel Macron, “Our support goes to the heroes who, in Greece, France and everywhere else, risk their lives every summer to fight the fires.”
Ayon naman sa tagapagsalita ng Greek police na si Konstantina Dimoglidou, “Another man was found dead and ‘a DNA test will be needed to confirm’ if this is a shepherd that was missing since Sunday.”
Patuloy na nakikipaglaban ang mga bumbero ng Greece sa mga wildfire sa tatlong ‘major fronts’ sa tourist islands ng Rhodes, Corfu at Evia at ilan pang aktibong mga sunog sa buong bansa.
Nagbabala rin ang Civil Protection ng “extreme danger of fire in six of the country’s 13 regions.”
Sinabi ng mga siyentipiko mula sa grupong World Weather Attribution, na ang mga heatwave na tumama sa ilang bahagi ng Europe at North America ngayong buwan ay halos imposible kung walang “human-caused climate change.”
Heatwave in Greece © Anibal MAIZ CACERES, Guillermo RIVAS PACHECO / AFP
Binanggit ni Mitsotakis sa gabinete, “In the face of what the entire planet is facing, especially the Mediterranean which is a climate change hot spot, there is no magical defence mechanism. If there was, we would have implemented it.”
Tatlong araw bago ang pagbagsak ng eroplano, ay inamin ni Mitsotakis na ang mga lumang Canadair CL-215 water bombers na ginamit ng Greece — isang modelong unang ginawa noong kalagitnaan ng 1960s — ay “luma na, mahirap (paliparin) at lantad sa pagkadiskaril.”
Nangako siyang magdadala ng mga bagong modelo na magagamit sa 2026.
Sinabi ng WWF Greece na 35,000 ektarya ng kagubatan at iba pang lupain ang nasunog sa bansa nitong nakaraang linggo.
Ayon sa EMY, ang national weather forecaster, ang Greece ay tinamaan ng tatlong sunod-sunod na heat wave ngayong Hulyo, at ang init ay inaasahang aabot sa 46 degrees Celsius (114.8 degrees Fahrenheit) sa ilang bahagi ng bansa.
More than 5,000 people had flown home on more than 40 emergency flights from Sunday to Tuesday © Spyros BAKALIS / AFP
Sinabi ni Vassilis Kikilias, civil protection minister ng Greece, na higit sa 500 sunog ang hinarap ng crews sa buong bansa sa loob ng 12 sunod na araw.
Ilan pang paglikas ang ipinag-utos sa bahagi ng Corfu at Rhodes, habang sinira naman ng apoy ang mga lupain at dose-dosenang mga ari-arian.
Libu-libong katao ang inilikas ng mga awtoridad sa dalawang sikat na tourist destinations, kung saan marami sa mga nahintakutang turista ang nagkumahog na makauwi lulan ng evacuation flights.
Mahigit sa 260 bumbero ang nakikipaglaban pa rin sa sunog sa ikawalong magkakasunod na araw sa Rhodes, na suportado ng siyam na eroplano at dalawang helicopter.