Beijing, nasa red alert warning dahil sa bagyong Doksuri
Nasa ilalim na ng red alert warning ang Beijing at mga nakapalibot na lalawigan dahil sa pananalasa ng bagyong Doksuri.
Ang babala ay ginawa ng China national weather system kung saan maaari pa itong magbunsod ng mas matinding pagbaha.
Pinangangambahang malampasan pa nito ang nangyari noong July 2012 kung saan namatay ang halos 80 katao at libu-libo ang inilikas.
Una nang binayo ni Doksuri ang Katimugang bahagi ng Fujian province noong Biyernes dala ang bugso ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour o 110 miles per hour.
Sinabi ng Meteorological Service ng China na ang hagupit ng bagyo ay nararamdaman na sa Hilagang bahagi ng bansa.
Ang mga residente ng Beijing ay hinimok na manatili muna sa loob ng bahay.
Nitong Sabado, higit 200,000 emergency responders ang pinakilos kung saan ilang libong katao na ang kanilang inilikas at nagsara na rin ang ilang pampublikong lugar.
Ang bagyong Doksuri ay isa sa pinakamatinding weather system na tumama sa China sa nakalipas na mga taon.
Liza Flores