16 road sections sa CAR, Regions 1 at 3, sarado pa rin dahil sa epekto ng bagyong Egay at Habagat

photo: DPWH

Nananatiling sarado sa mga motorista ang16 road sections sa ilang rehiyon sa Luzon dahil sa pinagsamang epekto ng bagyong Egay at Habagat.

Sa situational report ng Department of Public Works and Highways (DPWH), 6:00 ng umaga ng July 31, sarado pa rin ang 9 kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR), 2 sa Region 1 at 5 sa Region 3.

Nasa 11 road sections naman anglimitado ang access…3 ay mula sa CAR, 5 sa Region 1 at 3 sa Region 3.

Ito ay dahil sa soil collapse, fallen trees, mga tulay na gumuho, soil erosion, damaged slope protection, eroded carriageway, landslide, scoured bridge abutment, rockslide at flooding o high water elevation.

Samantala, lahat ng national roads at tulay sa iba pang rehiyong sinalanta ng bagyo ay bukas na o passable na sa lahat ng uri ng sasakyan.

TL

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *