Inilaang pondo ng gobyerno para sa flood control projects naragdagan
Sa gitna ng matinding pagbahang naranasan sa Northern at Central Luzon kasunod ng higit 2 linggo ng pag-ulan, Naglaan ng 215.6 bilyong pisong pondo ang gobyerno para sa flood management program sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Ang mga proyekto ipapatupad sa ilalim ng Flood Management Program ng Department of Public Works and Highways.
Ayon kay Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, mas mataas ito kaysa 185 bilyong piso na inflan ngayong 2023.
Sa usapin na naman ng malawakang pagbaha sa Metro Manila tuwing malakas ang ulan, sinabi ni Pangandaman na 1.3 bilyong piso ang kanilang inilaang pondo sa flood management Program ng Metro Manila Development Authority para sa proposed 2024 National budget.
Pero kung ikukumpara sa 1.9 bilyong pisong pondo ngayong 2023 ay mas mababa ito.
Matatandaang nitong nakaraang buwan, una ng pinuna ng Commission on Audit ang mga hindi natapos na flood control projects ng MMDA kung saan 33 lang sa 47 proyekto nito na nagkakahalaga ng higit 825 milyon ay hindi naipatupad noong 2022.
Sa ilalim ng 2024 budget naglaan rin ng 543.45 bilyong pisong pondo ang gobyerno para sa mga programang may kaugnayan sa Climate change.
Ilan sa mga programang pinaglaanan ng proyekto sa ilalim ng Climate Change Mitigation and Adaptation Projects and Programs ay para sa water sufficiency na nagkakahalaga ng 294.4 bilyong piso, 180.7 bilyong piso para sa sustainable energy, 180.72 bilyon para sa Climate Smart Industries and Services, at 5.9 bilyon naman para sa ecosystem and environmental sustainability.
Naglaan rin ng 1.7 bilyong pondo sa Philippines Space Agency para sa mas maayos na monitoring ng ating land and marine resources.
Madelyn Moratillo