Private collection ni Freddie Mercury, idinisplay sa isang exhibit sa UK
Mula sa “fanciful costumes” at working drafts ng “Bohemian Rhapsody” hanggang sa mga ashtray at art collection, daan-daang mga bagay na pag-aari ni Freddie Mercury ang idinisplay sa isang exhibit sa Britain.
Inayos ng Sotheby’s ang kanilang gallery sa central London upang makatulad ng itsura ng dating bahay ng frontman ng bandang Queen, para sa isang buwang exhibition bago ang isasagawang six-stage sale ng mahigit sa 1,400 items.
Ayon sa auctioneers, ang singer-songwriter, na namatay noong 1991, ay maraming “treasures” na naiwan sa dati niyang bahay sa west London na hindi nagalaw sa loob ng tatlong dekada.
Freddie Mercury composed several hits on his Yamaha G-2 baby grand piano which could fetch as much as £3 million ($3.8 million) / AFP
Kabilang dito ang isang iniingatang Yamaha baby grand piano, na ginamit ni Mercury sa paglikha ng maraming awitin ng Queen na sumikat. Tinatayang maibebenta ito ng hanggang £3 million (3.8 million).
Naka-display din ang replica ng Britain St Edward’s Crown at kasama nitong balabal na isang pekeng fur, red velvet at rhinestones na isinuot ng singer sa stage noong 1980s.
Ginamit niya rin ito sa world-famous Live Aid concert noong 1985 at sa finale renditions ng “God Save The Queen” sa huli niyang tour kasama ang banda noong 1986.
Ang 16,000 square feet (1,500 sq m) multi-room showcase, na tatagal hanggang September 5 o sa araw ng kapanganakan ni Mercury, ay nagtatampok din sa maraming bagay mula sa kaniyang Japanese collection.
Kabilang dito ang Japanese decorative arts, glass, graphic arts, ceramics at iba pang mga bagay na nagmula sa Japan na kaniyang kinolekta sa buong buhay niya.
Sinabi ni Cecile Bernard ng Sotheby’s, “It constitutes an ensemble which is completely unique.”
Bahagi rin ng exhibition ang muwebles at mga kagamitan na dating ginamit sa Garden Lodge Home ni Mercury, gaya ng kitchen table, ornate cutlery na may kasamang isang gilt-tooled leather-bound “dinner party guest and menu book,” kung saan nakadetalye ang seating plans, menus at refreshments.
Mercury’s illuminated 1941 Wurlitzer jukebox could net as much as 20 thousand pounds ($25,000)
Isa sa hindi pangkaraniwang item na nakadisplay ay ang isang multicolored, iluminated 1941 Wurlitzer jukebox, na itinago ni Mercury sa kanyang kusina na tumatakbo pa rin sa orihinal nitong coinage.
Puno ng records gaya ng “Hallelujah I Love Her So” ni Ray Charles, “Rit It Up” ni Little Richard, at “Shake, Rattle and Roll” ni Bill Haley, tinatayang maibebenta iyon ng £25,000 sa auction.
Manuscripts and other paraphernalia up for sale include hand-written lyrics for “Somebody to Love”
Ang musical manuscripts na nakadisplay at kasama sa ipagbibili ay kinabibilangan ng 15 pahinang working drafts para sa “Bohemian Rhapsody,” kung saan nabunyag na ang sikat na awitin ay unang pinlano ni Mercuary na bigyan ng pamagat na “Mongolian Rhapsody.”
Samantala ang nilalaman ng kaniyang “elaborate dressing room” ay nagtatampok naman ng mga jacket at sequinned stage suits, mga sapatos at mga salamin.
Kabilang dito ang dilaw na “Champion” vest na isinuot ni Mercury sa unang kalahati ng kaniyang final Queen performance sa Knebworth Park noong August 9, 1986. Tinatayang maibebenta ito sa halagang £6,000-£8,000.
Isa pa sa hindi pangkaraniwang item na nakadisplay ay ang school book ni Mercury na may nakasulat na “Fred Bulsara” na tunay niyang pangalan sa harapang bahagi.
May petsang mid-1960s, kinatatampukan ito ng mga komentaryo at judgement ng noo’y 18-anyos na singer sa ilang poetry, maging ang tula na kaniyang binuo na may pamagat na “Bird (‘Feather flutter in the sky…’).”
Ang malawak na hanay ng mga item — na ipina-auction ni Mary Austin, isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ni Mercury na nag-aalaga sa kaniya sa dati niyang bahay, ay inaasahang mabibili ng hindi bababa sa £6 milyon ($7.6 milyon) sa kabuuan.
Ibibigay ni Austin bilang donasyon ang isang bahagi ng mapagbebentahan sa Mercury Phoenix Trust, na itinatag ng kapwa miyembro ng Queen na sina Brian May, Roger Taylor at kanilang manager na si Jim Beach, upang suportahan ang HIV/Aids initiatives, at maging sa Elton John Aids Foundation.
Para kay Bernard, ang mismong pagtulong sa paghahanda para sa exhibition ay isa nang mahalagang karanasan.
Aniya, “When we went to Garden Lodge, we have been like archaeologists doing that, with so much fun. The sales, live events in the British capital on September 6-8 and online from Friday to September 11, are ‘the best homage’ to Mercury, given he ‘loved to collect’ and buy at auctions.”
Dagdag pa niya, “He was himself very familiar with the process of collections going from one owner to another so it makes sense.”
Ayon sa cataloguer ng Sotheby’s na Fenella Theis, “Some 30,000 to 40,000 items are available within the more than 1,400 lots.”
Sinabi pa ni Bernard, “Every piece is so autobiographical. So every piece resembles one of Freddie’s many, many, many facets of his personality.”