600 thousand Metric tons ng bigas na inangkat ng Pilipinas darating na simula sa last week ng August hanggang second week ng September ayon sa DA
Papasok na sa bansa ang mga inangkat na bigas sa Vietnam at Thailand simula sa huling linggo ng Agosto hanggang sa ikalawang linggo ng Setyembre.
Ito ang inihayag ni Department of Agriculture o DA senior undersecretary Leocadio Panganiban sa pagdinig ng kongreso hinggil sa suplay at presyo ng bigas.
Sinabi ni Panganiban na ang 600 thousand metric tons na bigas na inangkat ng mga pribadong negosyante ay bahagi ng inaprobahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 1.3 million metric tons na aangkatin ng bansa para masigurong sapat ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa pagtatapos ng taon.
Ayon kay Panganiban batay sa rice importation and tariffication law pinapayagan ng gobyerno ang mga pribadong negosyante na umangkat ng maraming volume ng bigas basta magbayad ang mga ito ng kaukulang trapipa .
Vic Somintac