DOT at NCIP pormal na magtutulungan sa tourism development ng indigeneous peoples communities
Lumagda ng kasunduan ang Department of Tourism (DOT) at ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para sa promosyon at proteksyon ng cultural heritage sa pamamagitan ng turismo.
Sa ilalim ng kasunduan, magtutulungan ang DOT at NCIP para suportahan at ipatupad ang Katutubo-KAPWA project.
Ayon sa DOT, ang Katutubo-KAPWA project ay isang pambansang inisyatiba upang suportahan ang indigenous cultural communities o indigenous peoples sa tourism development sa mga destinasyon at IP communities sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Target din ng proyekto na matugunan ang mga gap at pangangailangan sa bawat destinasyon gaya ng kakulangan ng tourism skills at kakayanan sa mga IP sa tourism activities, at mga essential infrastructure.
Lilikha rin ng technical working group (TWG) na bubuuin ang DOT at NCIP para sa pagsubaybay sa implementasyon.
Tiniyak ng DOT na magkakaloob ito ng assistance at promotional platforms para sa mga produkto ng ICCs/IPs para makahikayat sa mga turista na suportahan ang lokal na tourism economy.
Ilan pa sa commitments ng DOT ay probisyon ng financial support sa tourism-related capacity building, infrastructure projects, product development, at iba pang tourism-related programs activities sa mga interesadong ICCs/IPs at assistance at funding sa identified tourism-related projects ng ICCs/IPs.
Ang memorandum of agreement (MOA) ay nilagdaan nina Tourism Secretary Christina Frasco at NCIP Chair Allen Capuyan.
Moira Encina