Batas na magtatalaga ng permanent human resources officer sa bawat LGUs pinaapura na ng Civil Service Commission sa Kongreso

Hiniling ni Civil Service Commission o CSC chairman Karlo alexi Nograles sa dalawang kapulungan ng kongreso na apurahin na ang pagpapatibay sa panukalang batas na magtatatag ng permanent Human Resources Officer o HRMO sa bawat local government units o LGUs sa buong bansa.

Sa media breifing ng CSC sa public information agency o PIA sinabi ni Nograles na kailangan ang permanent HRMO sa bawat LGUS para mapunan ang 204,054 vacant plantilla position sa national at local government.

Ayon kay Nograles pasado na sa mababang kapulungan ng kongreso ang house bill 8520 na naglalayong magtatag ng HRMO sa bawat LGUs at hinihintay na lamang ang bersiyon ng senado.

Inihayag ni Nograles na walang dapat ikabahala ang mga empleyado ng gobyerno na tatamaan ng staffing pattern at right sizing scheme dahil protektado sila ng Republic Act 6656 o civil servant security of tenure act.

Niliwanag ni Nograles na ang mga empleyado ng gobyerno na maapektuhan ng staffing pattern at right sizing scheme ay mayroong dalawang choice na pagpipilian una mag avail ng early retirement ikalawa lumipat sa ibang posisyon sa mga ahensiya ng gobyerno na mayroong available pang puwesto.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *