Iimbestigahan ngayon ng senate Committee on Justice ang kaso ng pagmamaltrato sa kasambahay na si Elvie Vergara
Si Vergara ay lumapit kay senador Jinggoy Estrada sa kaniyang online show nitong biyernes matapos gulpihin ng kaniyang amo dahil sa umanoy pagnanakaw ng 12 thousand pesos at relo na nagkakahalaga ang 15 thousand pesos.
Kahapon sinampahan na ng kasong serious illegal detention, trafficking at violation ng kasambahay law ang Employer ni Vergara
Sinabi ni Estrada na kung totoong nagnakaw si Vergara, mali ang ginawa ng kaniyang amo na binugbog at ilagay ang batas sa kaniyang kamay na naresulta ng pagkabulag dahil sa sobrang pagmamaltrato
Banta ni Estrada gagamitin niya ang kaniyang legislative powers para mapapanagot sa batas ang Employer ni Vergara
Iinihalintulad ng senador ang kaso ni Vergara sa kasambahay na si Bonita Baran na nabulag din dahil sa pang aabuso ng kaniyang amo noong 2012
Hinatulan ng korte suprema ang mag-asawang Employer ni Baran na sina Reynaldo at Anna Liza Marzan ng 40 taong pagkakakulong dahil sa krimen na serious illegal detention.
Meanne Corvera