Pangunahing suspek sa pagpatay kay  dating VM Rommel Alameda tumanggi na sumailalim Lie Detector Test

Walang napiga ang senado sa mga bodyguard ni cagayan mayor Bryan Dale Chan na pangunahing suspek sa pagpatay kay vice mayor Rommel Alameda noong february 19 sa bagabag Nueva Vizcaya

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order, tumanggi ang tatlo sa mga bodyguards ni Chan na sumailalim sa lie detector test

Ngayon sana sasailalim sa lie detector test sa senado sina Dennis de Guzman, Freddie Molina at Rommel Paltao pero bigla silang umurong dahil sa advise umano ng abogado ng alkalde.

Ang tatlong bodyguards ay kapwa inaakusahang nasa likod umano ng pagpatay kay vice mayor Alameda

Inimbitahan rin ng senado ang globe telecom para sana makuha ang detalye ng content data tulad ng text mesasages ng telepono ni Mayor Chan pero ayon sa telecom company wala silang kapasidad para i- restore, i-save ang mga text messages.

Ang maaari lang daw nilang maibigay ay traffic data tulad ng call logs kung anong oras at sino ang tinawagan at ang location ng telepono nang mangyari ang krimen batay sa satelite data.

Una nang humingi ng tulong ang PNP sa senado para sana makuha ang detalye ng mga phone conversations para matukoy ang detalye ng pagpatay kay Alameda

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *