Paglilipat ng 10 EMBO barangays mula sa Makati patungo sa Taguig City inaprubahan ng Comelec
Pormal ng inaprubahan ng Commission on Elections ang paglilipat sa 10 EMBO Barangays mula sa Makati patungo sa Taguig City.
Sa inilabas na Memorandum ng Comelec, inatasan ang kanilang Law Department na makipag-ugnayan sa Makati LGU para magamit ang mga eskwelahan na nasa 10 barangay upang magamit na voting centers sa darating na eleksyon.
Ipinag-utos na rin ng Comelec ang re-allocation ng mga form at supplies para sa BSKE at maging ang bagong database server para sa Makati at Taguig.
Ipinag utos rin ng poll body ang dagdag na pondo para sa transfer na kinakailangan sa paglilipat ng mga botante.
Sa isang pahayag, ipinaliwanag naman ni dating Press Secretary Atty. Trixie Angeles na hindi kailangan ng writ of execution para sa implementation ng partake over ng Taguig sa 10 EMBO barangays dahil hindi naman ito isang ejectment case.
Iginiit rin niya na walang basehan ang opinion ng Office of the Court Administrator na nagsabing kailangan ng writ of execution bago maipatupad ang Supreme Court decision dahil wala naman itong legal basis.
Patungkol naman sa hinahabol na mga gusali ng Makati gaya ng school buildings, ospital, at iba pa na napunta sa Taguig dahil nakatayo ito sa Barangay na sakop na nila ngayon.. ang dapat aniyang ginawa ng Makati ay maghain ng clarificatory petition sa Korte Suprema.
Ipinaliwanag rin ni Angeles na none 2011 ay una ng naglabas ng temporary restraining order ang Pasig RTC sa territorial dispute kaya kung tutuusin ay hindi na dapat nag exercise rito ng hurisdiksyon ang Makati.
Madelyn Moratillo