Panukalang batas na magpapabilis ng job creation sa bansa lusot na sa Kamara
Pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa ang consolidated house bill 8400 o National Employment Recovery Strategy o NERS at kikilalanin bilang trabaho para sa pilipino act.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez kailangan ng gobyerno ang batas na magpapabilis sa paglikha ng trabaho dahil noong kasagsagan ng pandemya ng COVID 19 marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng maraming negosyo.
Ayon kay Romualdez ang trabaho para sa mga pilipino act ang tugon ng Kamara upang maresolba ang problema ng unemployment at underemployment sa bansa.
Inihayag ni Romualdez kapag naging ganap na batas ang kalihim ng Department of Trade and Industry o DTI ang magiging chairman ng inter-agency council for job creation and investment at co-chairman ang kalihim ng Department of Labor and Employment o DOLE.
Tatayong miyembro ng Inter-Agency Council ang mga pinuno ng National Economic Development Authority o NEDA, Technical Education
Skills Development Authority o TESDA, kinatawan mula sa employers association at kinatawan mula sa labor groups.
Batay sa record nananatiling problema ng gobyerno ang unemployment at underemployment sa bansa.
Vic Somintac