Pasok sa lahat ng korte sa Metro Manila at Bulacan, suspendido sa Agosto 25 para sa pagbubukas ng 2023 FIBA Basketball World Cup

Walang pasok sa lahat ng mga hukuman sa Metro Manila at Bulacan sa Biyernes, Agosto 25.

Sa abiso mula sa Korte Suprema, sinabi na ito ay para sa maayos at ligtas na pagsasagawa ng opening ceremonies ng 2023 FIBA Basketball World Cup.

Gaganapin ang seremonya sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kabilang sa suspendido ang pasok ay sa Supreme Court, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan, at Office of the Court Administrator.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *