Dating kasambahay na si Elvie Vergara na-trauma sa sinapit niya sa kaniyang Employer
Nabulag ang dalawang mata, malabo na ang tiyansang makakita at nabungi ang mga ngipin.
Yan ang sinapit ng kasambahay na si Elvie Vergara matapos bugbugin ng kaniyang amo sa Mamburao Mindoro
Sa pagdinig ng senate committee on justice, sinabi ng mga doktor na sumuri kay Vergara na matindi ang tinamong trauma ng mata ni nanay elvira kaya halos lumubog ito
“Marami siya problema pati likod ng mata madami kailangang gawin – poor dognosis – maliit lang tyansa makakita.” Ang initial plan remove the cataract stage proceedure kung kakayanin cornea may problema pati retina, may problema we have to wait kung kakayanin surgery… Ang problem cornea maga na kristal ng mata niya maga dahan dahan naming…” paliwanag ni Dra. Irene coloroso
Ayon sa mga doktor, marami ring tinamong sugat sa katawan si nanay Elvie.
Sa salaysay ni nanay Elvie, madalas kapag nagkakamali sya sinusuntok siya at inuuntog sa pader
“Noong una pagpasok ko mabait sa akin nung nagkonting mali lang 2020 sinasaktan na po ako dun ang ginagawa sa akin suntok ng suntok sa akin konting mali tuloy na tuloy na nananakit tinadyakan, hinahampas inuuntog sa freezer inuntog ulo sa cr sa dingding kahit saan po yun pong babae.” pahayag ni nanay Elvie
May pagkakataon pa aniya na isinabit siya sa sabitan ng mga karne tulad ng ibinebenta sa palengke
“Mga ngipin po doon sa kanilang kamay din po, opo sa babae po sinabit kayo sa sabitan ng karne? opo nagkakatay po sila ng baboy” sagot pa ng matanda sa pagtatanong ni senador Francis Tolentino.
Hindi sya makapagsumbong sa kaniyang mga kamag anak dahil kinumpsika ang kaniyang cellphone
“Pinaswldeo ba kayo? hindi po buhat ng nag start ako ilang taon ka nagtrabago parang pitong taon po. may mga balita na pinaghuhubad kayo pinagsasayaw? opo totoo po yun” pahayag pang muli ng matanda sa pagtatanong ni senador Tolentino
Noong 2021, nakatakas siya sa bahay ng kaniyang amo pero nang humingi siya ng tulong sa barangay sa halip na tulungan, isinauli pa siya ng kapitan sa kanyang amo.
“Sinundo ako ng amo kong lalaki sabi ihahatid ako sa sakayan dinala ako sa tindahan ipapagamot.” kwento pa ni nanay Elvie
Itinanggi ito ng kapitan ng baranggay na si jim patal dahilan kaya nag-init ang ulo ng mga senador sa kapitan ng barangay.
“Alam mo napakasinungaling mong tao ka ang sarap mong… gusto mo i lie detector test ka namin ikukulong ka namin diyan sa baba. Kung nasa matinong pag-iisip patas ka you should check sa doktor tawagan mo CHR tawagan mo PNP tumakbo sa kanyang amo sinurender mo sa amo napakagago mo!” Inis na tanong ni senador Raffy Tulfo
“Paano nga malalaman pamilya Ruiz na nasa baranggay hall.” Tanong naman ni senador Jinggoy Estrada.
“Tinanong mo dapat automatic sa barangay di ba ano po yan SOP parang sinasabi mo hindi mo ginawa ang trabaho mo!” pahayag ni senador Robin Padilla
Matapos ang tangkang pagkatakas dinala si Vergara ng kaniyang amo sa isa sa mga anak nito sa Batangas at doon nakiusap siya sa kasambahay na tulungan siyang makontak ang kanyang mga kamag- anak.
Hindi naman sumipot sa pagdinig ang mga Employer ng biktima na sina Pablo Ruiz, asawa nitong si France at mga anak na sina Jeery at Danica.
Sa halip nagpadala sila ng sulat sa senado na hindi makakasipot dahil umano sa kanilang medical condition na hindi tinanggap ng mga senador.
Pinunit ang letter – “This is just a piece of paper! I move that we subpoena the family of Pablo Ruiz and the two children.” pahayag ni senador Estrada.
Meanne Corvera