Mga gurong magsisilbi sa BSKE sa Oktubre 30 madaragdagan ang Honoraria
Magandang balita para sa mga gurong magsisilbi sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30.
Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, itinaas na hanggang 10 na libo at 9 libong piso ang kanilang magiging honoraria
Ito ay mula sa dating 6 na libo para sa chairman at 5 libo para sa myembro ng electoral board.
Kukunin aniya ang dagdag honoraria mula sa savings ng Comelec.
Para naman sa mga poll worker sa mga lugar kung saan bukod sa halalan ay may gagawin ring plebisito, gaya ng Bulacan, ay makakatanggap ng karagdagang 2 libong piso.
Para naman sa mga magsisilbi sa Naga at Muntinlupa kung saan magkakaroon ng early voting hours para sa mga senior citizens, persons with disabilities, at buntis may dagdag ring 2 libong piso ang mga poll worker.
Nabatid na ang isang DepEd Supervisor Official o DESO naman ay makakatanggap ng P9,000 para sa pagsisilbi sa halalan habang P5,500 naman ang matatanggap ng mga support staff.
Maglalaan rin ang Comelec ng pondo para sa benepisyo o assistance ng mga poll worker na masasawi o magtatamo ng election-related injury o illness.
Para sa death benefit ito ay 500 libong piso habang makakatanggap naman ng hindi lalampas sa 200 libong pisong medical assistance ang mga magtatamo ng election-related injury.
Sa datos ng Comelec nasa higit 800 libo ang magsisilbi para sa 2023 BSKE.
Madelyn Moratillo