Turn over ng mga public at private schools na dating sakop ng Makati City ipinanawagan ng TDC na gawing maging maayos

Nanawagan ang Teacher’s Dignity Coalition ng agaran at maayos na turn over ng mga pampubliko at pribadong eskwelahan na dating sakop ng Makati City at ngayo’y nasa hurisdiksyon ng Taguig City.

Sa isang statement, sinabi ni TDC President Benjo Basas, na dapat manaig ang kapakanan ng mga estudyante.

Umapila rin ang TDC sa Department of Education na magkaroon ng guro na kakatawan sa transition committee at umaasa silang magiging normal na ang lahat sa lalong madaling panahon.

Ayon naman kay Noel Meneses, presidente ng Fort Bonifacio High School Faculty Club, umaasa silang maaayos na ang gusot.

Dapat din umano na naiimpormahan ang mga guro sa sitwasyon ng turnover lalo at sila ang siyang humaharap sa mga estudyante at mga magulang at nagbibigay sa mga ito ng impormasyon.

Nasa 1,500 ang guro mula sa 14 EMBO public schools na ililipat sa Taguig habang nasa 30,000 naman ang mga estudyante.

Para naman kay Parents Teachers Association(PTA) Federation President Willy Rodriguez dapat ay unahin muna ang maayos na turnover para hindi na magkaroon ng kalituhan o anumang tensyon at saka na pag-usapan ang mga isyu gaya ng pamigay ng benepisyo tulad ng school uniforms at iba pang school supplies.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *