Inamyendahang panuntunan para sa mga Pinoy na papuntang abroad, ipatutupad ng IACAT sa Setyembre

Pinagtibay na ng Inter- Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang nirebisang departure guidelines para sa mga Pilipino na patungo sa ibang bansa.

Sisimulan na ipatupad ang inamyendahang departure protocols sa Setyembre 3.

Sa revised guidelines, nilinaw at inilatag kung anu-anong dokumento ang kailangan na dalhin ng mga pasahero na magpupunta sa ibang bansa.

Bukod sa basic travel documents gaya ng pasaporte, boarding pass, visa at confirmed return o roundtrip ticket, inisa-isa ang additional supporting documents na maaaring hingin sa mga turista, minors, OFWs at iba pang kategorya ng mga pasahero.

Ayon kay DOJ Spokesperson Mico Clavano, ang pangunahing layunin ng pag-amyenda sa departure formalities ay para masawata ang malaking problema ng bansa sa human trafficking at hindi para higpitan o pigilan ang karapatan na bumiyahe ng isang Pinoy.

“The reason for instituting revised guidelines is a matter of national security. So We passed these guidelines in the hope that we protect our fellow citizens from the perils of human trafficking and to note our culture is a migratory one.” pahayag ni DOJ spokesperson Asec. Mico Clavano

Sinabi ng Bureau of Immigration na batay sa kanilang rekord ay maliit lamang ang bilang ng mga pasahero na pa-abroad ang hindi pinapahintulutan na makaalis dahil sa kulang ang mga dokumento.

In fact po sa data natin 0.6% lang ng departing passenger ang hindi pinapayagan for not having proper documentation viz a viz their actual purpose of travel. I think it’s a misconception because of what is seen in social media na the guidelines are there para madagdagan ang requirements po ng mga kababayan.” paliwanag ni BI spokesperson Dana Sandoval

Ayon pa sa BI, walang dapat ipag-alala ang mga turista na self- funded na bibiyahe sa ibang bansa upang magbakasyon.

Una nang inulan ng mga reklamo sa social media mula sa mga pasahero ang mga mahabang pagtatanong ng immigration officers kaya hindi sila umabot sa kanilang flight.

“The guidelines were set laid out by the IACAT for general public to know what type of document should i bring if i fall in a certain category of people if i am self funded traveller meaning I’m just a regular tourist mamamasyal lang ako abroad then theres nothing to worry about.’ kasunod na paliwanag pa ni Sandoval

Nilinaw pa ng BI na hindi naman mas hahaba ang pila sa immigration counters o mas tatagal ang proseso dahil sa revised departure formalities.

Tumatagal lang anila ng 45 segundo ang primary inspection ng mga dokumento at kung kinakailangan ay 15 minuto para sa secondary inspection.

Magkakaroon din ang BI ng green lanes para sa frequent travellers at OFWs para mapabilis ang proseso.

“The long term plan of Bureau of Immigration is to add more e-lanes both arrival and departure areas para mas mapabilis byahe kababayan even the tourists” pahayag pang muli ni Sandoval

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *