80th Venice Film Festival, tila mas maraming eskandalo kaysa mga bituin na dadalo
Ipagdiriwang na ng Venice Film Festival ang ika-walompu nilang edisyon sa susunod na linggo, ngunit ang Hollywood strike ay nangangahulugan na maraming bituin ang maaaring hindi makadalo rito.
Ito ay dahil karamihan sa mga bituin ay “ban” o pinagbawalang magsagawa ng publicity work.
Kabilang sa mga hindi makadadalo sa kanilang Venice premieres ay si Emma Stone, na gumaganap bilang isang Frankenstein-like creature sa pelikulang “Poor Things,” at Bradley Cooper, na direktor at tampok din bilang bituin sa “Maestro” na pelikulang tungkol sa legendary conductor at composer na si Leonard Bernstein.
Adam Driver may yet appear in Venice for ‘Ferrari’
Sina Adam Driver at Penelope Cruz, na bida sa biopic na “Ferrari” mula sa direktor na si Michael Mann ay exempted sa Screen Actor’s Guild (SAG-AFTRA), dahil ang kanilang pelikula ay kinunan sa labas ng studio system, subalit hindi pa rin dadalo bilang pakikipagkaisa sa mga welgista.
Gayunman, ang mga pelikula ay ipalalabas pa rin at maraming top-name directors ang nakatakdang dumalo, para sa Golden Lion top prize na i-aanunsiyo sa Setyembre a-nueve.
Si Sofia Coppola ay magtatanghal ng isa pang biopic na may titulong “Priscilla,” na tungkol sa asawa ni Elvis Presley, habang si David Fincher ay nagbabalik sa pamamagitan ng “The Killer,” higit 20 taon makaraang i-boo sa festival ang “Fight Club” na naging isang “hit” sa sumunod na mga taon.
At dahil sa kakulangan ng mapag-uusapan sanhi ng inaasahang kakaunting bilang ng mga bituing dadalo sa festival, kaya’t natuon ang pansin sa kontrobersiyal na mga personalidad na kinabibilangan nina Woody Allen at Roman Polanski.
Ang 87-anyos na si Allen, ay inimbestigahan para sa isang umano’y pag-atake sa kanyang ampon na anak na babae pero na-clear na ng pulisya noong 1990s, ngunit hindi iyon sapat para sa marami sa panahon ng MeToo era, at siya ay na-blackball ng Hollywood.
Polanski is not due to attend but his latest, ‘The Palace’, is playing out of competition in Venice
Ang 90-anyos namang si Polanski, ay namamalaging “fugitive” mula sa US dahil sa hatol sa kaniya na panggagahasa sa isang menor de edad noong 1970s. Matagal na siyang pinatawad ng biktima, ngunit nahaharap siya sa iba pang mga paratang ng pag-atake. Sinabi ng festival na hindi siya dadalo.
Samantala, mayroon ding mga out-of-competition premiers para sa isang 40 minutong Wes Anderson film na “The Wonderful Story of Henry Sugar,” na nakabatay sa isang kuwento ni Roald Dahl, at isang bagong feature mula sa indie favorite na si Richard Linklater, ang “Hit Man.”
Ang “The Caine Mutiny Court-Martial,” na huling pelikula mula kay William Friedkin (“The Exorcist”), na namatay ngayong buwan sa edad na 87, at ang “The Palace” ni Polanski ay kasama rin sa magkakaroon ng out-of-competition premier.