‘Barbie’ bahagyang naungusan ng ‘Gran Turismo’ sa N.America Theaters
Hindi mabilis na umungos sa unahan ng North American box office ang sports action film ng Sony na “Gran Turismo,” ngunit nakarating din ito doon sa isang “slow late-August weekend,” at tinalo ang “turbo-powered” pa ring “Barbie.”
Base sa isang sikat na video game, ang “Gran Turismo” ay kumita ng tinatayang $17.3 million para sa Friday-through-Sunday period.
Sinabi ng isang analyst, “This is a lukewarm opening for an action film based on a video game,” na partikular na ikinumpara sa mga dating game-based films gaya ng “Warcraft” (na kumita ng $439 million sa ticket sales sa buong mundo) at “Rampage” (na kumita ng $428 million).
Ang pelikula na pinagbibidahan nina David Harbour at Orlando Bloom, ay tungkol sa isang racing academy na nagre-recruit ng mahuhusay na video gamers upang sanayin ang mga ito bilang tunay na race-car drivers.
Ang “Barbie” naman ng Warner Bros. na namamalaging malakas sa takilya ay kumita ng $17.1 million sa ika-anim na linggo na ng pagpapalabas nito, kaya umabot na ngayon sa $594 million ang domestic total nito, bukod pa sa $745 million na kinita nito sa ibang bansa.
Ayon sa mga analyst, ang accounting ng ticket sales ng Sony para sa “Gran Turismo” ay medyo mahina (kabilang na ang milyun-milyong pre-sales), at hinulaan na sa final tally ay ang “Barbie pa rin ang magiging numero uno para sa weekend.
Ang nanguna naman noong nakaraang linggo, ang superhero film na “Blue Beetle” mula sa DC Studios at Warner Bros., ay bumagsak sa ikatlong puwesto matapos kumita ng $12.8 million, halos 50 porsiyentong pagbaba mula sa sinundan nitong weekend.
Nasa pang-apat ang “Oppenheimer,” ng Universal na kumita ng tinatayang $9 million. Sa ngayon ay nalampasan na nito ang $300 million sa domestic earnings, dagdag pa ang $477 million na kinita nito sa ibang bansa.
Ika-limang puwesto ang animated movie ng Paramount na “Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem,” ang latest chapter sa “heroes-in-a-half-shell” saga, na kumita ng $6.1 million.
Nasa pang-anim hanggang pang-sampung puwesto naman ang sumusunod na mga pelikula:
“Meg 2: The Trench” ($5.1 million)
“Strays” ($4.7 million)
“Retribution” ($3.5 million)
“The Hill” ($2.5 million)
“Haunted Mansion” ($2.1 million)