Patuloy ang search at retrieval ng PCG kay Jerome Racelis na tinangay ng malakas na agos ng tubig sa Marikina river
Patuloy ang search at retrieval operations ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Marikina Rescue Team sa isang lalaki na tinangay ng malakas na agos ng tubig sa Marikina river kahapon.
Itinigil ang search and rescue operations kahapon dahil delikado ang malakas na agos ng tubig sa ilog
Ayon kay Rameses Mendoza, ang head ng operations and warning division ng marikina, 3:30 kahapon nang huling makita ang bente dos anyos na si Jerome Racelis sa may tumana river.
Tumawid umano ito sa ilog para puntahan ang kaniyang kaibigan na nangingisda sa kabilang pampang pero tinangay ito ng malakas na agos ng tubig sa kasagsagan ng ulan.
Ginalugad nila ngayong araw ang kahabaan ng marikina river mula sa tumana hanggang sa floodway sa pasig kung saan posibleng tinangay ang bktima pero hindi pa rin ito natatagpuan
Bagamat bumaba na ang tubig sa marikina river sa 14.8 meters o mas mababa na sa first alarm, mahigpit pa ring ipinagbabawal ng marikina government ang paliligo, pangingisda o anumang aktibidad sa paligid ng ilog dahil delikado
“Inaabisuhan namin sila na mag ingat as much as possible habang mataas wala tayo sa first alarm makikita ninyo agos ng tubig dire diretso pa rin.” pahayag ni Mendoza
Meanne Corvera