Minimun wage earner sa CALABARZON may dagdag na sahod
Makakatanggap ng dagdag na sahod ang mga minimum wage earner sa CALABARZON simula sa setyembre 24.
Ito ay matapos aprubahan ng regional tripartite wages and productivity board ang dagdag na 35 hanggang 50 pesos sa arawang sahod ng mga minimum wage earner.
Dahil diyan ang mga minimum wage earner sa non agricultural sector ay tataas mula sa 385 pesos ay magiging 520 pesos; habang sa mga nasa agri sector naman ay magiging 479 pesos mula sa dating 385 pesos.
Para naman sa mga nasa retail at service establishments na may higit 10 empleyado ay kikita ito ng 385 pesos.
Sa mga manggagawa naman sa agri sector sa Calaca, Batangas at Carmona, Cavite ay madadagdagan ng 89 pesos matapos silang ma-reclassify mula sa pagiging 1st class municipality at maging isang component city.
Ayon sa DOLE inaasahang nasa higit 719 libong minimum wage earner ang makikinabang rito.
Ang mga establisyimento naman na walang 10 ang empleyado at apektado ng kalamidad ay exempted sa wage hike.
Madelyn Moratillo