Mga Micro Rice Retailers nakatanggap na ng cash assistance mula sa DSWD
Nabigyan na ng cash assitance ng gobyerno ang mga maliliit na rice retailers sa Western Visayas na apektado ng umiiral na rice price ceiling kaugnay ng Executive Order 39 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Sinabi ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Spokesman Assistant Secretary Romel Lopez na isinagawa ang cash payouts sa Iloilo City at Negros Occidental.
Sa Iloilo City pinangunahan nina DSWD Western Visayas Regional Director Atty. Carmelo Nochete, Department of Trade and Industry o DTI Regional Director Ermelinda Pollentes at Department of Agriculture o DA Regional Executive Director Dennis Arpia ang pamamahagi ng tig 15 thousand pesos na cash assistance sa mga benepisaryong Micro Rice Retailers.
Kaugnay nito sa Negros Occidental naman ay pinangunahan nina DSWD Assistant Regional Director for Operations Arwin Razo, DTI Assistant Regional Director Rachel Nufable at DA Assitant Regional Director Jose Albert Barrogo ang pagbibigay ng cash assistance sa mga maliliit na rice retailers na tinamaan ng epekto ng rice price ceiling.
Vic Somintac