DPWH ipapatawag ng Senado kaugnay sa paghahanda sa lindol
Ipapatawag ng Senado ang Department of Public Works and Highways o DPWH para pagpaliwanagin sa kahandaan ng pilipinas lalo na ang kapag tumama ang malakas na lindol o ang pinangangambahang Big One.
Kasunod ito ng malakas na lindol na tumama sa Morocco na ikinamatay na ng halos dalawang libo katao.
Sinabi ni senador Bong Revilla Chairman ng Senate Committee on Public Works, nais nilang malaman ano na sa ginawang retro friting at pag aaral ng DPWH sa mga gusali, tulay at iba pang pampublikong istruktura.
Sinabi ni Revilla na hindi lang dapat nagsasagawa ng earthquake drill kundi kailangan ding malaman ang kahandaan ng mga ahensya ng pamahalaan.
Sa naunang report ng DPWH sa komite ni Revilla aabot sa halos anim na libo ang mga istruktura sa Metro Manila ang sinasabing delikado at maaring gumuho kapag may malakas na lindol
Kabilang na rito ang may apat na libong mga school buildings at public buildings
Samantala nag-donate ng dugo si Revilla kasama ang mga sundalo at pulis para tulungan ang mga pasyenteng nangangailangan.
Meanne Corvera