Nakiusap ang Comelec sa Senado na ibalik ang tinapyas sa kanilang panukalang budget para sa 2024.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang naturang pondo ay gagamitin nila sa paghahanda para sa 2025 midterm, Barangay at Sangguniang Kabataan Elections
Aabot lang sa 27.440 billion ang inaprubahang budget ng Department of Budget and Management o DBM para sa Comelec taliwas sa kanilang proposal na 44 billion
Ayon kay Garcia sa mahigit 20 billion na tinanggal na budget, 5.7 billion dito gagamitin sa paghahanda sa halalan sa 2025.
Kasama sa apektado ng tapyas pondo ang overtime pay ng mga tauhan ng comelec, pagta-transport ng mga makinarya sa buong bansa para sa gagawing pilot testing sa magkasunod na midterm at BSKE.
Dahil malaki rin ang tinapyas sa kanilang alokasyon, nawalan sila ng budget para sa pagbili ng mga IT Equipment, pagtatayo ng main building ng COMELEC, mga Field Offices at internet services
Meanne Corvera