Pumaslang sa OFW na si Jullebee Ranara, hinatulan na makulong ng 15 taon
Sinentensyahan ng Juvenile Court sa Kuwait ng 15 taon na pagkakakulong para sa murder at isang taon para sa pagmamaneho ng walang lisensya ang pumatay sa OFW na si Jullebee Ranara.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mababang parusa ay dahil sa pagiging menor de edad ng akusado na si Turki Ayed Al- Azmi.
May 30 araw ang akusado para i-apela ang hatol sa kaniya sa Court of First Instance.
Sinabi ng DFA na naipabatid na ng Philippine Embassy sa Kuwait sa pamilya ni Jullebee ang ruling ng korte at nagpapasalamat ang mga ito sa tulong sa kanila ng pamahalaan.
Kinilala naman ng DFA ang mga hakbangin ng mga otoridad sa Kuwait para sa mabilis na resolusyon ng kaso.
Natagpuan ang sunog na bangkay ni Ranara sa disyerto sa Kuwait noong Enero ngayong taon.
Pahayag ng Department of Foreign Affairs:
“The Department of Foreign Affairs wishes to inform the public that according to the Philippine Embassy in Kuwait, the Juvenile Court in Kuwait today CONVICTED the killer (Turki Ayed Al-Azmi) of OFW Jullebee Ranara, sentencing him to 15 years imprisonment for murder and 1 year imprisonment for driving without license.
The lesser penalties were due to the accused’s being a minor. He has 30 days to appeal the judgement to the Court of First Instance.
The family of the OFW has been informed and is grateful for the assistance provided them by the government.
The Philippine Government acknowledges the efforts undertaken by the Kuwaiti authorities to effect a speedy resolution of the case, in the pursuit of justice for our slain kababayan.”
Moira Encina