Examinees sa 2023 Bar Exams, umabot sa halos 11,000
Inaasahang kukuha ng bar examinations ngayong taon ang halos 11,000 bar candidates.
Ayon sa tala ng Korte Suprema, kabuuang 10,816 ang bar takers sa 2023 Bar Exams.
Mula sa nasabing bilang, 5,832 ang kukuha ng pagsusulit sa unang pagkakataon habang ang 4,984 ay at least second time takers.
Mas marami ang bilang ngayong taon kumpara sa mahigit 9,000 bar examinees noong 2022.
Tinatayang 2,571 bar personnel naman ang idi-deploy sa 14 na local testing centers para makatuwang sa maayos na pagsasagawa ng eksaminasyon.
Kabilang sa mga magsisilbi sa bar exams ay mga Court Official, mga hukom at mga kawani mula sa Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at mga first-at second -level courts, at mga abogado sa pamahalaan at private practice.
Isasagawa sa eksaminasyon sa September 17, 20 at 24.
14 Local Testring Centers sa 2023 Bar Examinations;
1) San Beda University – Manila
2) University of Santo Tomas
3) San Beda College Alabang
4) University of the Philippines – Diliman
5) Manila Adventist College
6) University of the Philippines – Bonifacio Global City
7) Saint Louis University
8) Cagayan State University
9) University of Nueva Caceres
10) University of San Jose – Recoletos
11) University of San Carlos
12) Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation
13) Ateneo de Davao University
14) Xavier University
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang Supreme Court sa mga ipapatupad na road closures ng LGUs sa mga kalsada malapit sa 14 na local testing centers sa tatlong araw na pagsusulit.
Moira Encina