PBBM nagpasalamat sa pinakamagandang regalong natanggap
Pinakamagandang regalo umano sa kaarawan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nabuong Implementing Rules and Regulations ng New Agrarian Emancipation Act.
Sa ilalim nito, binubura ang pagkakautang sa gobyerno ng mga benepisyaryo ng Agrarian Reform.
Pinasalamatan rin ni PBBM ang mga ahensya ng gobyerno na kumilos upang matapos ng mabilis ang IRR para sa batas na nalagdaan noong buwan ng Hunyo.
Kasabay ng pagbuo ng IRR, nilagdaan din ni Pangulong Marcos ang Executive Order na nagbibigay ng dalawang taong palugit sa EO No. 4 na nagpapalawig sa isang taong moratorium sa pagbabayad ng principal at interes sa gobyerno ng Agrarian Reform Beneficiaries.
Ang EO No.4 ay una ng napaso noong Setyembre 13.
Ang mga hindi umano umabot sa cut-off ng condonation ay pwedeng makinabang sa pagpapalawig sa moratorium.
Madelyn Moratillo