P8-B pondo ng PhilMech, dapat nang gastusin para pakinabangan ng mga magsasaka – Agri Partylist

Hiniling ni Agri Partylist representative Wilbert Lee sa Philippine Center for Post Harvest Development Mechanization (PhilMech) na gamitin na ang 8 billion pesos na pondo para makatulong sa pagbili ng mga farm equipment at post harvest facilities upang tumaas ang agricultural workers production at makatulong sa pagbaba ng presyo ng mga pagkain sa bansa.

Ayon sa mambabatas, ang P8 billion na pondo ng PhilMech ay mula sa Rice Competitivenes Fund ( RCEP) sa ilalim ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law.

Nangako naman si PhilMech Director Dr. Dionesio Alvindia na hanggang sa pagtatapos ng taon ay magagamit na ang nasabing pondo para sa mga farm equipment at post havest facilities.

Para masiguro ang post harvest support ng gobyerno, inihain ni Congressman Lee ang House Bill 3958 o Post Harvest Facilities Support Act upang maobliga ang gobyerno na magtayo ng post harvest facilities sa ibat-ibang lugar sa bansa para mapababa ang post harvest losses ng mga magsasaka at tumaas naman ang rice production.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *