Panukalang batas na magpapataw ng mabigat na parusa laban sa mga agri produtcs smuggling pinagtibay na sa plenaryo ng Kamara
Bilang na ang maliligayang araw ng mga smugglers, hoarders, price manipulators, profiteers at mga sangkot sa cartel ng mga agricultural products.
Ito ang babala ni House Speaker Martin Romualdez matapos makalusot sa ikatlo at huling ng pagbasa sa plenaryo ng kamara ang panukalang batas na magpapataw ng parusang habambuhay na pagkakakulong sa mga agri-products smugglers sa bansa
Sa Botong 289 na mga kongresistang pumabor inaprubahan sa kamara ang House Bill 9284 o Anti-Agri Fishery Commodities and Tobacco Economic Sabotage Act na sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent Bill.
Kung magiging ganap na batas ituturing bilang isang krimen at economic sabotage ang smuggling ng bigas kasama ang pagpupuslit ng tobacco, hoarding ,profiteering, cartelizing ng mga agricultural products.
Matatandaang kamakailan nagbanta si Pangulong Marcos Jr. sa mga sindikatong sangkot sa smuggling ng mga agricultural products na mananagot sa batas dahil itinuturing silang bukbok sa lipunan na nagpapahirap sa bayan.
Vic Somintac