Kamara hiniling sa DA na bawasan ang mga requirements bago makakuha ng tulong ng gobyerno ang mga magsasaka, mangingisda at kooperatiba
Hiniling ni Agri Partylist Representative Wilbert Lee sa Department of Agriculture o DA na bawasan ang napakaraming requirements bago makakuha ng tulong ang mga magsasaka, mangingisda at kooperatiba.
Ito’y matapos malaman sa budget deliberation ng DA sa plenaryo ng Kamara na umaabot sa 50 mga requirements ang kailangang i-produce ng mga magsasaka, mangingisda at kooperatiba bago makakuha ng assitance ng gobyerno upang mapalakas ang kanilang produksyon.
Ibinunyag ng mambabatas na bilyong-bilyong pondo ng DA para sa farm inputs pre-harvest at post harvest services ang hindi nagagamit at napupunta sa savings.
Itinuturo ang DA na isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na nagkakaroon ng underspending kung saan naaapektuhan ang serbisyo sa taongbayan lalo na sa sektor ng Agrikultura.
Iginiit ng Kamara na ang kailangan ng mga magsasaka ay service at hindi savings.
Vic Somintac