Film Heritage building itatayo sa Intramuros, Maynila

Lumagda na ng kasunduan ang Department of Tourism (DOT) at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa pagtatayo ng Film Heritage building.

Ayon sa DOT, ang gusali ay itatayo 800 square meters na lote sa Sta. Lucia Street sa Intramuros sa Maynila.

Nakakuha ng consent ang DOT para sa paggamit ng lote mula sa Department of Finance (DOF) na rehistradong may-ari ng lupa.

Sinabi ng DOT na magkakaroon ang gusali ng cinematheque, film museum/gallery, film and media library, film storage/vaults, at film scanning and restoration room.

Magkakaroon din ito ng mga opisina ng FDCP, lounge areas, board room, merchandise shop at cafe.

Epektibo ang nilagdaang memorandum of agreement hanggang Pebrero 2045 o sa loob ng 22 taon.

Naniniwala ang DOT na makakatulong ang kolaborasyon nito sa FDCP para mapalakas ang film tourism industry ng bansa.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *