6.1 percent inflation rate naitala ngayong Setyembre

Photo courtesy of psa.gov.ph

Bumilis ang galaw ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong setyembre.

Ayon kay National Statistician Usec Dennis Mapa, naitala na sa 6.1 percent ang inflation mas mabilis kumpara sa 5.3 percent inflation rate noong Agosto ngayong taon.

Sinabi ni Mapa na pangunahing dahilan ng pagbilis ng inflation ay ang mataas na presyo ng bigas, karneng baboy at gatas.

Ang bigas ang may pinakamataas na ambag sa inflation na umaabot sa 8.87 percent sa food basket.

Nauna nang nagpatupad ng price cap ang gobyerno sa presyo ng bigas dahil sa pagsirit ng presyo nito dahil sa umano’y kakulangan na suplay

“Ito ang highest since March 2009 kung saan rice inflation. Umabot ng 22.9 percent before that July 2008 36.4 percent.” pahayag ni National Statiscian Dennis Mapa

Nakaapekto rin ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga produktong Petrolyo.

Sabi ni Mapa inaasahan nilang tataas pa ang inflation sa susunod na buwan matapos magpatupad ng pisong dagdag sa singil sa pamasahe sa mga public transoortation’

“May direct efect yun sa transport weight kung saan isa yung fare sa mga jeep medyo mataas ang weight non 3.5 percent may indirect effect sa commodities na gumagamit ng transport.” saad pa ni Mapa

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *