Kadiwa Law para sa mababang presyo ng pagkain sa buong bansa isinusulong sa Kamara

Kailangang maging prioridad ng gobyerno ang pagtatag ng mga Kadiwa Centers sa buong bansa kung saan makakabili ng murang presyo ng pagkain.

Sinabi ni Agri-Partylist Representatives Wilbert Lee na magagawa lamang ang pagtatag ng Kadiwa Centers sa ibat-ibang panig ng bansa kung mayroong batas na mag-aatas.

Dahil dito inihain ng mambabatas ang House Bill 3957 na magbibigay daan sa paglalagay ng mga agri-food terminal sa bawat ciudad at municipalidad sa buong bansa.

Binanggit ng Kongresista ang resulta ng survey ng Pulse Asia na walo sa bawat sampung Filipino household ay nagsasabing mas malaki ang kanilang budget na ginagastos sa pagbili ng pagkain dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Naniniwala ang kinatawan ng Agri-Partylist group na ang presyo ng mga agri food produtcs na ibinibenta sa Kadiwa Centers ay mas mababa ng 10 to 20 percent ang presyo kumpara sa mga palengke at supermarkets.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *