May 125 petition for DQ na ang inihain sa Comelec laban sa mga pasaway na kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ang bilang na ito, wala pa sa kalahati ng 301 na target ng Comelec masampahan ng DQ cases.
Ilan sa mga dahilan kaya nasasampahan ng DQ cases ng Comelec ay dahil sa premature campaigning at vote buying.
Ayon sa Comelec may 6,463 na show cause order na ang kanilang naihain.
Pero nasa 2,894 palang ang nagsusumite ng reply.
May 558 reklamo naman ang ibinasura dahil sa kawalan ng sapat na basehan.
Madelyn Moratillo
Please follow and like us: