Dose-dosena nasaktan sa pagsabog sa isang explosives depot sa Seychelles
Animnapu’t anim katao ang nasaktan sa malakas na pagsabog sa isang explosives depot sa Seychelles, habang gumuho naman ang mga gusali sanhi upang magdeklara ng isang state of emergency ang pangulo ng bansa na “nabigla” sa nangyari.
Ang arkipelago na sikat sa mapuputing mga beach at high-end na turismo, ay nakikipagbuno rin sa pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa malakas na pag-ulan na kumitil na ng dalawang buhay, ayon kay Pangulong Wavel Ramkalawan, na nag-atas sa kaniyang mga mamamayan na manatili sa bahay.
Sa isang pahayag ay sinabi ng pangulo, na ang pagsabog ay nangyari sa Providence industrial area sa Mahe, ang pinakamalaking isla sa Seychelles, na nagdulot ng malaking pinsala sa site at sa mga nakapaligid na lugar.
Ang Mahe, na kinaroroonan ng kabisera na Victoria, ay tahanan ng 87 porsiyento ng populasyon ng bansa.
Aniya, “Following an explosion at the CCCL explosives store that has caused massive damage… and major destruction caused by flooding due to heavy rains, the president has declared a State of Emergency for today the 7th December.”
Nakasaad pa sa pahayag, “All schools will be closed. Only workers in the essential services and persons travelling will be allowed free movement. This is to allow the emergency services to carry out essential work.”
Ang pagsabog, na naganap bago magmadaling araw, ay narinig ilang kilometro (milya) ang layo, at sa lakas ng pagsabog ay nabasag ang mga bintana ng mga kalapit na bahay, mga bangko at mga tindahan.
Sinabi ni Ramkalawan sa isang press briefing, “I was shocked when I arrived early in the morning. The police and the army (have taken) control of the area. Sixty-six people have been admitted to hospital.”
Dagdag pa nito, “Many people are in a state of shock, and we strive to provide them with psychological support, the blast could have resulted in many more casualties had it occurred during the daytime.”
Ayon pa sa pangulo, may natutunang aral ang Seychelles sa nangyari at kailangang may gawin upang mabago ang sitwasyon. Nangako rin ito na ire-reassess ang storage standards para sa mga eksplosibo sa bansa.
Samantala, naglunsad na ng imbestigasyon ang pulisya sa sanhi ng pagsabog.