James, Embiid, at Curry, kabilang sa star-studded US Olympic squad
Kabilang sina LeBron James, Stephen Curry at ang kasalukuyang NBA Most Valuable Player na si Joel Embiid, sa 41 malalakas na player pool para sa 2024 Olympics basketball roster ng USA.
Ang star-studded roster ay ibababa pa sa 12-man squad para sa Olympics ngayong summer sa Paris, kung saan hahabulin ng US ang ikalimang magkakasunod na gintong medalya.
Ang provisional player pool ay kinabibilangan ng 28 mga manlalaro na kumatawan na sa USA sa isang Olympics o FIBA World Cup, at nagwagi na ng 23 gintong medalya.
Tatangkain ng 39-anyos na si James ang ikatlong gintong medalya, sa maituturing na unang appearance niya sa isang Olympics simula noong 2012 London Games.
Sinabi ng USA Basketball men’s national team managing director na si Grant Hill, “The United States boasts unbelievable basketball talent and I am thrilled that many of the game’s superstars have expressed interest in representing our country at the 2024 Olympic Summer Games.”
Aniya, “It is a privilege to select the team that will help us toward the goal of once again standing atop the Olympic podium. This challenging process will unfold over the next several months as we eagerly anticipate the start of national team activity.”
Ang Philadelphia 76ers star na si Embiid ay nakatakdang maglaro para sa United States sa unang pagkakataon, matapos ipangako ang kaniyang alyansa sa squad noong Oktubre.
Ang Cameroon-born superstar ay maaaring maglaro para sa bansang kaniyang sinilangan, sa France at sa Estados Unidos, ngunit pinili niya ang US squad na lubhang paborito para manalo ng gintong medalya.
Ang magiging coach ng team ay ang Golden State Warriors head coach na si Steve Kerr, kasama si Mark Few ng Gonzaga University, Tyronn Lue ng Los Angeles Clippers at Miami Heat coach Erik Spoelstra na magsisilbing assistants.
Inanunsiyo rin ng USA Basketball ang mga plano nila para sa pre-Olympic games sa Las Vegas at London.
Makakalaban ng US ang Canada sa Las Vegas sa July 10, bago ang exhibition games kontra South Sudan sa July 20 at Germany sa July 22, na gaganapin sa O2 Arena ng London.
Ang USA basketball 2024 Olympics player pool ay kinabibilangan nina Bam Adebayo, Jarrett Allen, Paolo Banchero, Desmond Bane, Scottie Barnes, Devin Booker, Mikal Bridges, Jaylen Brown, Jalen Brunson, Jimmy Butler, Alex Caruso, Stephen Curry, Anthony Davis, Kevin Durant, Anthony Edwards, Joel Embiid, De’Aaron Fox, Paul George, Aaron Gordon, Tyrese Haliburton, James Harden, Josh Hart, Tyler Herro, Jrue Holiday, Chet Holmgren, Brandon Ingram, Kyrie Irving, Jaren Jackson, Jr., LeBron James, Cam Johnson, Walker Kessler, Kawhi Leonard, Damian Lillard, Donovan Mitchell, Chris Paul, Bobby Portis, Austin Reaves, Duncan Robinson, Jayson Tatum, Derrick White at Trae Young.