Safety certificates ng 2 sasakyang pandagat na nagkabanggaan sinuspinde
Sinuspinde na ng Maritime Industry Authority ( MARINA ) ang safety certificates ng dalawang sasakyang pandagat na nagkabanggaan sa bahagi ng Verde island sa Batangas kahapon.
Ayon sa MARINA, naglabas na ng suspension order ang kanilang Regional office laban sa
Recreational Safety Certificate ng HOP and GO 1 at Passenger Ship Safety Certificate ng MV Ocean Jet 6.
Kapwa isasailalim sa safety inspection ang dalawa para matukoy kung ligtas pa silang maglayag.
Matatandaan na dalawa ang namatay sa insidente, ang kapitan at isa pang crew ng Hop and Go 1 habang ilang pasahero rin at crew nito ang nagtamo ng minor injury.
Ibat ibang anggulo naman ang tinitingnan ng Philippine Coast Guard sa insidente.
Tinitingnan din ng PCG kung nakaapekto ang panahon kaya nangyari ang trahedya.
Target ng Coast guard na matapos ang imbestigasyon sa loob ng isang linggo.
Madelyn Villar – Moratillo