COVID-19 at Influenza Like Illness sa bansa, bumababa – DOH
Patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID- 19 at Influenza Like Illness sa bansa.
Sa monitoring ng Department of Health, mula Enero hanggang Pebrero 3 ngayong taon, nakapagtala ng 16,155 Influenza Like Illness cases na mas mababa ng 19% sa 19,935 na naitala sa parehong panahoon noong 2023.
Kung pagbabatayan naman mula Disyembre 24 hanggang Enero 6, na nakapagtala ng 8,199 cases mula Enero 7 hanggang 20 ay bumaba sa 7,372 ang naitalang mga kaso.
Lalo pa umano itong bumaba sa 4, 487 cases nalang mula Enero 21 hanggang Pebrero 3.
Pero sa Ilocos region, MIMAROPA, Socksargen, Caraga at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao nakitaan ng pagtaas ng Influenza Like Illness cases, kung saan may 9 ang naitalang nasawi.
Sa COVID 19 naman, sa ICU beds ay 11% lang ang okupado habang 14% naman sa non ICU beds.
Mula Pebrero 6 hanggang 12 naman, nakapagtala ng 661 bagong kaso ng COVID 19 na mas mababa ng 30% sa naitalang kaso sa mga nakalipas na linggo ng Enero.
Sa nasabing petsa, 2 lang ang naiualat na nasawi dahil sa COVID 19.
Sa pagtaya ng DOH, inaasahang magpa-plateu na ang mga kaso ng COVID 19 at Influenza Like Illness sa mga darating na buwan.
Madelyn Villar – Moratillo