PBBM biyaheng Australia bilang parliament guest
Bibiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Australia bilang bisita ng Australian government.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nakatakda ring humarap ng Pangulo sa Australian Parliament sa panahon ng kaniyang pagbisita doon simula Feb. 28-29, kung saan inaasahang tatalakayin niya ang pananaw para sa Strategic Partnership sa pagitan ng Pilipinas at Australia na nilagdaan noong isang taon.
Magkakaroon din siya ng bukod na pakikipagpulong sa senior officials ng Australia, kung saan inaasahang pag-uusapan ang tungkol sa defense and security, trade, investments, people-to-people exchanges, multilateral cooperation, at regional issues.
Ayon sa PCO, “Similarly, the visit will witness the signing of new agreements in areas of common interest to complement the already robust cooperation with Australia and expand engagements for mutual capacity-building.”
Sa Nobyembre ngayong taon ay ipagdiriwang ng Pilipinas at Australia ang 78th anniversary ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
Sinabi ng PCO na hanggang noong 2022, ay 408,000 Pilipino at Australian na may lahing Pinoy ang itinuturing nang tahanan ang Australia, kaya’t ito na ang ikalimang pinakamalaking migrant community sa bansa.