Mahigit 90 patay sa paglubog ng bangka sa baybayin ng Mozambique

File photo of fishing boats in Moroni, Mozambique taken on April 25, 2019 / Ibrahim Youssouf, AFP

Mahigit sa 90 katao ang namatay nang lumubog ang isang ‘overcrowded’ makeshift ferry sa hilagang baybayin ng Mozambique.

Ang converted fishing boat, na may sakay na nasa 130 katao, ay nagkaproblema habang tinatangkang marating ang isla sa bahagi ng Nampula province.

Sinabi ni Nampula Secretary of State Jaime Neto, “Because the boat was overcrowded and unsuited to carry passengers it ended up sinking. There are 91 people who lost their lives, many of them are children.”

Limang survivors naman ang natagpuan ng rescuers at patuloy na pinaghahanap ang iba pa, ngunit naging mahirap ang operasyon dahil sa kondisyon ng dagat.

Ayon kay Neto, karamihan sa mga pasaherong sakay ng bangka ay nagtatangkang tumakas sa mainland dahil sa panic na dulot ng maling impormasyon tungkol sa cholera.

Ang nabanggit na southern African country, na isa sa pinakamahirap sa buong mundo, ay nakapagtala ng halos 15,000 mga kaso ng waterborne disease at 32 na ang namatay simula noong October, ayon sa government data.

Ang Nampula ang pinaka-apektadong rehiyon, katumbas ng sangkatlo o 1/3 ng lahat ng mga kaso.

Nitong nakalipas na mga buwan, dumagsa rin ang maraming mga tao na tumatakas naman sa maraming jihadist attacks sa kanilang kapitbahay sa hilaga, ang Cabo Delgado.

Ayon kay Neto, inaalam na ng isang investigative team ang sanhi ng naturang sakuna.

Aniya, dalawa sa limang survivors ang ginagamot sa ospital.

Ang bangka ay patungo sa Mozambique Island, isang maliit na coral islet na dating nagsisilbing kabisera ng Portuguese East Africa at nagbigay ng pangalan nito sa bansa.

Isang trading post sa rutang patungo sa India na unang ginamit ng mga mangangalakal na Arabo, inaangkin ito para sa Portugal ng sikat na explorer na si Vasco da Gama.

Kinaroroonan ng isang fortified city at naka-ugnay sa mainland sa pamamagitan ng isang tulay noong 1960s, ang isla ay nasa talaan ng culture agency ng UN na UNESCO, bilang isang World Heritage Site.

Ang Mozambique, na may mahabang Indian Ocean coastline at may hangganan sa South Africa, Eswatini, Zimbabwe, Zambia, Malawi at Tanzania, ay isang Portuguese colony hanggang sa lumaya ito noong 1975.

Tahanan ng mahigit sa 30 milyong katao, regular itong tinatamaan ng mapaminsalang mga bagyo.

Noong March, isa ang namatay nang mawasak ang isang ilegal na fishing vessel malapit sa isang southern beach.

Dahil sa halos two thirds ng populasyon ang nabubuhay sa kahirapan, lubhang umaasa ang bansa sa malawak na natural gas deposits na nadiskubre sa Cabo Delgado noong 2010.

Ngunit simula noong 2017 ay naantala na ang progreso dahil sa insurgency ng mga militanteng may kaugnayan sa Islamic State group.

Mahigit sa 5,000 katao ang namatay at halos isang milyon ang napilitang lisanin ang kanilang tahanan nang magsimula ang mga labanan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *