Mga hukom inatasan ng SC na bisitahin ang mga kulungan para alamin ang kondisyon ng mga PDL

Photo courtesy of Supreme Court

Ipinag-utos ng Korte Suprema sa mga hukom sa first at second- level courts sa bansa na magsagawa ng jail visitation hanggang sa katapusan ng Mayo, upang malaman ang kondisyon ng mga bilanggo sa gitna ng matinding init ng panahon.

Ito ay batay sa sirkular na inisyu ni Court Administrator Raul Villanueva.

Ang nasabing pagbisita sa mga PDL ay bukod pa sa regular na quarterly jail visitation ng mga huwes.

Ayon sa Office of the Court Administrator, apektado ang mga inmate ng sobrang init ng panahon lalo na’t siksikan sa mga kulungan.

Kaugnay nito, pinagsusumite ang mga hukom ng court jail visitation and inspection report sa kanilang executive judges sa loob ng limang araw matapos ang jail visit.

Ang mga executive judge o acting presiding judge naman ay magsusumite ng consolidated jail visitation report sa Court Management Ofice ng OCA, sa loob din ng limang araw mula nang matanggap ang mga ulat ng mga hukom.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *