Festival workers ng Cannes film nanawagan ng welga ilang araw bago ang gala opening
Nanawagan para sa isang welga ang mga trabahador sa Cannes Film Festival, kaugnay ng pasahod at kondisyon sa trabaho ilang linggo bago ang simula ng event.
Sinabi ng mga miyembro ng isang grupo na tinatawag na Sous les Ecrans la Deche (“Poverty Behind the Screens”), na hindi nila intensiyong abalahin ang event ngunit nais nilang kunin ang atensiyon ng mga kinauukulan tungkol sa matagal na nilang hinihingi.
Sinabi ng tagapagsalita ng grupo, “The strike will not put the opening of the festival at risk but there could be disruptions as it goes on.”
Ayon sa grupo, kinakatawan nila ang humigit-kumulang 100 mga manggagawa, kabilang ang projectionists, programmers, press agents at ticket sellers.
Nagtatrabaho sila na may short-term contracts ngunit hindi sila kasama o wala sila sa ilalim ng unemployment insurance scheme ng France para sa freelance na mga artista at technician sa cultural sector, na ang suweldo ay tumataas patungo sa minimum wage.
Sabi pa ng grupo, “Most of us will have to give up working, which will jeopardise the events. The forthcoming opening of the Cannes Film Festival has a bitter taste for us this year.”
Hindi naman agad tumugon ang organisers nang hingan ng komento.
Ang event sa French Cote d’Azur ay ikinukonsiderang “most prestigious” para sa film industry ng mundo, na umaakit ng nasa 40,000 katao bawat taon.
Ang festival ngayong taon ay tatakbo mula May 14 hanggang 25, na nakatakdang daluhan ng itinuturing na ‘icons’ gaya nina Francis Ford Coppola, Georges Lucas at Meryl Streep.