Costa Rica magrarasyon na ng kuryente
Magrarasyon na rin ng kuryente ang Costa Rica dahil sa nararanasang tagtuyot, at sinabing lilimitahan nito ang access sa elektrisidad na lubhang umaasa sa hydro-generation.
Ang Costa Rica ang pinakabagong bansa sa Latin America na nagpasyang magrasyon na ng kuryente.
Sinabi ng mga opisyal na ang mga dam na nagsu-suplay ng tubig sa hydro-electric plants ng bansa ay mababa na ang lebel dahil sa El Nino weather phenomenon.
Ayon kay Roberto Quiros, direktor ng ICE electricity institute ng Costa Rica, “This El Nino has really been the most complicated in the history of Costa Rica.”
Ang rasyon ay magsisimula sa Lunes at wala pang katiyakan kung hanggang kailan.
Humigit-kumulang sa 99 percent ng kuryente ng Costa Rica ay nagmumula sa renewable sources, nasa three-quarters naman ang galing sa hydro-electric plants.
Sinabi ni Berny Fallas, isang climate expert sa ICE, na siyang pangunahing energy provider ng Costa Rica, “We have not seen a drought like this in 50 years.”
Noong Miyerkoles ay sinabi ng World Meteorological Organization (WMO) sa isa nilang report, na ang Latin America at Caribbean ay nakapagtala ng pinakamainit nilang taon noong 2023.
Ayon sa WMO, “It is a ‘double-whammy’ of El Nino and climate change caused major weather calamities. Much of Central America, experienced intense drought, causing neighbor Panama to limit traffic in its eponymous canal.”
Sinabi ng ICE, “This will be the Costa Rica’s first electricity rationing since 2007, when El Nino also wreaked havoc with water levels. Hospitals, basic services and industry will not be affected by the cuts.”
Kamakailan lang, ang Ecuador ay kinailangan na ring magrasyon ng kuryente dahil sa kakulangan ng tubig para sa hydro-generation, habang ang Bogota na kabisera ng Colombia ay nagrarasyon na rin ng tubig.