PBBM, personal na nag-abot ng tulong sa mga naapektuhan ng El Niño sa Gensan
Personal na tinungo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang General Santos City sa Mindanao, para ipamahagi ang tulong sa mga kababayan nating magsasaka at mangingisda na apektado sa mahabang init ng panahon na dala ng El Niño phenomenon.
Isang maikling aktibidad ang isinagawa sa loob ng Lagao Gym, General Santos City na dinaluhan ng mga national line agency at stakeholders.
Photo: GenSan LGU
Tatlompong mga mga magsasaka at mangingisda ang nabigyan ng tig-sampung libong pisong cash mula sa Pangulo.
Sampung milyong piso naman para sa mga LGU at limampung milyon para sa bawat lalawigan ng South Cotabato.
Photo: Zamboanga City LGU
Bago narating ng Pangulo ang General Santos City ay binisita muna niya ang Sultan Kudarat at Sarangani, para personal na makita ang mga naging pinsala ng tagtuyot.
Pinasalamatan ng mga agri farmers at LGU ang Pangulo sa mga cash assistance na dala nito sa kanilang lugar, para makabawi sa lugi ng kanilang sakahan o hanapbuhay na pininsala ng kalamidad dahil sa El Niño phenomenon.
Photo: Zamboanga City LGU
Ely Dumaboc