Mid year bonus ng govt employees , makukuha na

Makatatanggap na ng mid-year bonus ang mga kawani ng gobyerno simula bukas May 15, 2024.

Ito ang kinumpirma mismo ni Department of Budget and Management  Secretary Amenah Pangandaman.

Ayon sa Kalihim, makatatanggap ng kanilang mid-year bonus ang mga kwalipikadong government employees na nagtrabaho ng hindi bababa sa apat na buwan mula July 1 ng nakaraang taon hanggang May 15 ng kasalukuyang taon.

Ang mid-year bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno as of May 15.

Pinaalalahanan naman ng DBM ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na  agad na ilabas ang bonus ng mga empleyado alinsunod sa umiiral na rules and regulations.

Kasama rin sa makakatanggap ng mid-year bonus ang mga military at uniformed personnel gayundin ang mga nasa hanay ng Philippine National Police at iba pa.

Eden Santos

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *