Bamban Mayor Alice Guo humiling ng patas na imbestigasyon sa PAOCC

Personal na nagtungo sa tanggapan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC ) ang mga abogado ni Bamban Mayor Alice Guo para isumite ang clarification letter ng alkalde.

Ang liham ay naka-address kay Executive Secretary Lucas Bersamin, Chairperson ng PAOCC.

Sa kanyang liham, nilinaw ni Guo na walang katotohanan ang mga paratang sa kaniya na pagkakasangkot sa money laundering, human trafficking, kidnapping at iba pang krimen na may kaugnayan sa Baofu Land Development Inc. at Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Bamban.

Ipinunto rin niya ang kawalan ng sapat na ebidensiya para iugnay siya sa mga alegasyon ng krimen.

Kaya naman hiniling nito sa PAOCC na magsagawa ng masusi at patas imbestigasyon.

Kumpiyansa si Guo na kung masusing masusuri ang impormasyon ay mapatutunayang wala siyang kinalaman sa lahat ng akusasyon laban sa kanya.

Pagtiyak ng alkalde, handa siyang makipagtulungan sa anumang proseso ng imbestigasyon at magbigay ng anumang kinakailangang dokumento o testimonya para linisin ang kanyang pangalan.

Madz Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *