Celine Dion, nagpakita ng larawan ng katatagan sa kaniyang dokumentaryo

Canadian singer Celine Dion spoke to AFP on the red carpet, ahead of the premiere of her documentary / ANGELA WEISS / AFP

Nangako si Celine Dion na hindi mawawala ang kaniyang “passion” bilang isang performer, sa kabila ng kaniyang health struggles na aniya ay maliit na bahagi lamang ng kaniyang “monumental story.”

Sa isang panayam sa red carpet bago ang premiere ng kaniyang “I Am: Celine Dion,” documentary na tinawag niyang ‘both wrenching and joyful,’ ay sinabi ni Celine, “”I’m not dead. When life imposes something on you, you have two options. You deal with it or you don’t want to deal with it.”

Ang pelikula ay nakatuon sa kaniyang ‘soaring’ career at ang kamakailan ay mga ‘challenge’ na kaniyang hinarap kaugnay ng isang hindi pangkaraniwang neurological disorder na lubhang nakaapekto sa kaniyang kakayang magtanghal.

The “I Am: Celine Dion” movie focuses on her soaring career and more recent challenges with a rare neurological disorder that has drastically hampered her ability to perform/ANGELA WEISS / AFP

Sinabi niya, “My decision to speak out about my condition in the documentary is both ‘the greatest gift and the greatest responsibility.’ I hoped it would inspire people with similar obstacles.”

Sa isang pagkakataon bago ang premiere, nagsalita ang Quebec-born sa kaniyang native French, at sinabi sa mga mamamahayag, “It’s hard to be here. But at the same time, I’m so moved. I feel that I still have a lot of support and a lot of love and I hope this documentary will help, because it helped me a lot. Even if it’s a forever fight, one day at a time.”

Idinitalye rin niya ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang pamilya, medical team at fans.

Unang ibinunyag ng 56-anyos noong December 2022, na na-diagnose niya na may Stiff Person Syndrome (SPS), isang progresibong autoimmune disorder na walang lunas.

Napilitan siyang kanselahin ang nalalabing petsa ng kaniyang mga pagtatangghal nang walang tiyak na panahon, kung kailan ulit matutuloy.

Ang gamutan ay maaaring makatulong upang mabawasan ang mga sintomas ng kaniyang kondisyon na nagiging sanhi ng paninigas ng kaniyang muscles sa katawan, braso at binti.

Maaari namang mag-trigger ng severe spasms ang overstimulation at maging sanhi upang hindi niya makontrol ang pagkabasag ng kaniyang boses.

Pangako ni Celine, “The show will still go on. But it was important to be honest about the physical and emotional intensity of my condition.”

Irene Taylor, the Academy Award-nominated director behind the film, told AFP that Dion’s one ask was to be able to tell her own story, in her own words / ANGELA WEISS / AFP

Sinabi ni Irene Taylor, ang Academy Award-nominated director na nasa likod ng pelikula, na ang isang tanging kahilingan ni Dion ay siya mismo ang magkuwento at ang istorya ay magmula sa sarili niyang bibig.

Ayon kay Taylor, sinabi sa kaniya ni Dion, “Would that be possible? Instead of other people talking about me? That was like music to my ears as a storyteller.”

Aniya, na ang tinutukoy ay si Dion, “She just opened up and was very authentic. In her joy, and also in her suffering.”

Tampok sa pelikula ang footage ng charismatic performer na nakilala at minahal ng mundo, maging ang mga eksena sa kanilang tahanan kasama ang kaniyang mga anak at mga alagang aso.

Ngunit nakadokumento rin sa pelikula ang kasidhian ng sakit na nararamdaman ni Dion, pati na ang isang mahabang sequence na nagpapakita ng detalye ng labis na sakit na naranasan ng singer mula sa seizure attack, kung saan hindi lamang siya hindi makagalaw kundi hindi rin makapagsalita.

Ang napakalungkot na eksena ay nagresulta sa pag-iyak ng mga nanood.

Earlier this year Dion made a surprise appearance at the Grammy Awards, presenting the Album of the Year award to Taylor Swift / Valerie Macon / AFP

Ngunit ang throughline ng dokumentaryo ay hindi ang kaniyang sakit, kundi ang kaniyang pagmamahal sa kanyang pamilya, mga kaibigan at sa musika.

Kita ang hirap niya sa pagkawala ng kaniyang boses, ngunit ang kaniyang pagiging masayahin at ang hindi kumukupas na ‘sense of humor’ ang nagningning sa buong pelikula.

Ang dokumentaryo ni Dion, na nakapagbenta na ng mahigit sa 250 milyong albums sa buong panahon ng kaniyang career na inabot na ng ilang dekada, ay magsisimulang mapanood sa June 25 sa pamamagitan ng streaming sa Prime Video.

Matatandaan, na nagkaroon ng isang ‘surprise appearance’ si Dion sa Grammy Awards, nang iprisinta niya ang Album of the Year award kay Taylor Swift.

Dion, pictured here in 2019, has rarely appeared publicly since announcing she has Stiff Person Syndrome / Alice Chiche / AFP

Subalit bihirang bihira siyang magpakita sa publiko simula nang i-anunsiyo niya na mayroon siyang SPS.

Sa kaniyang pagsasalita sa mga tao sa Manhattan na sabik nang mapanood ang premiere, ay ikinumpara ni Dion ang sarili sa isang puno ng mansanas.

Ginamit din niya ang metaphor sa pelikula, sa pagsasabing “I always felt I must produce shiny fruit for fans who were willing to pay large sums and wait long lines for my performances.”

Subalit naluha si Dion nang banggitin niya ang isang komento mula sa isang fan na nagsabi sa kaniya na, “we’re not here for the apples -– we’re here for the tree.”

Sa harap ng mga manonood na binigyan siya ng isang standing ovation ay sinabi ng singer, “This movie is my love letter to each of you. And I hope to see you all again very soon.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *